Sen. Go tiniyak na kumikilos ang gobyerno sa isyu ng presyo ng karne ng baboy
Sinabi ni Senator Christopher Go na regular na pinag-aaralan ang mga polisiya sa isyu ng pagtaas ng presyo ng karne ng baboy.
Aniya, kailangang balansehin ang interes ng lahat ng mga apektadong sektor, partikular na ang mga negosyante at konsyumer.
Ginagawa aniya ito para matiyak ang seguridad sa pagkain sa gitna ng kinahaharap na pandemya ng bansa.
Ipinaalala ng senador na umiiral pa rin ang price ceiling sa karne ng baboy at manok para mapigilan ang anumang manipulasyon sa presyo.
Noong Lunes, March 15, hinimok ng Senado si Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang rekomendasyon ng Department of Agriculture na tapyasan ang taripa ng imported pork at sabayan pa ito ng pagdagdag sa maaring angkatin na karne.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.