Intentional malpractice ang pagturok ng Sinovac sa mga ‘senior’ – Sen. Hontiveros
Ikinagalit ni Senator Risa Hontiveros ang panukala ng National Task Force on COVID-19 na iturok na sa senior citizens ang Sinovac.
Giit ni Hontiveros, malinaw naman ang pahayag ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi maaring ibakuna ang Sinovac sa mga nakakatanda.
Paniwala ng senadora, naghahabol na ang gobyerno para pagtakpan ang naging kapalpakan ukol sa indemnification fund kayat atrasado ang pagdating ng mga bakuna.
“Ngayon, ginagamit nila itong palusot kung bakit dapat nang iturok umano ang Sinovac sa seniors citizens, na karamihan ay immunocompromised. Huwag nilang isangkalan ang ating mga nakatatanda para masabi lang na nabigyan na ang mga senior citizens ng bakuna,” diin ni Hontiveros.
Aniya, hindi okay ang ‘pwede na’ at ‘basta nagawa’ attitude na ipinapakita ng gobyerno kayat isang taon na ang nakalipas ay tanging sa Pilipinas lang sa buong Timog Silangan Asya tumataas ang kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.