Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, magde-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng dagdag na 362 uniformed personnel sa iba’t ibang local government unit contact tracing teams sa Metro Manila para suportahan ang local contract tracing effort.
100 uniformed personnel naman mula sa Bureau of Fire Protection ang ipapakalat para sa NCR contract tracing effort.
“The Chiefs of Police and the Fire Marshalls have been instructed to coordinate with their respective LGUs for their respective requirements,” pahayag ni Malaya.
Dagdag nito, “If the LGUs, for example, needs more, the chiefs of police can request from their District Director, and if these cannot be met by the district, the NCRPO can deploy the remaining personnel from the mobile forces.”
Ipinag-utos din aniya ni DILG OIC Bernardo Florece sa ilang police regional offices sa buong bansa na mag-assign ng hindi bababa sa 20 tauhan para sa remote contact tracing.
“The Police Regional Offices will be assigned to each of the LGUs and they will help in making calls and monitoring the status of COVID positives,” saad nito.
Ang nasabing bilang ng contact tracers mula sa PNP at BFP ay dagdag pa sa 300 contact tracers na ide-deploy ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa iba’t ibang LGU.
“So, that’s a total of 802 contact tracers from the DILG and 300 from the MMDA. The Metro Manila LGUs are also doing their hiring so we have sufficient number of CTs to meet our needs,” ani Malaya.
Nitong Enero, nag-deploy na ang DILG ng 2,381 contact tracers sa NCR na may 6-month contract hanggang Hunyo.
Sa ngayon, may kabuuang 9,386 contact tracers na nag-oorganisa sa 2,130 contact tracing teams sa Metro Manila. Pinakamarami rito sa Maynila na may 2,675 members.