Welcome sa Department of Tourism (DOT) ang pag-apruba sa saliva RT-PCR test bilang alternatibo sa nasopharyngeal swab RT-PCR na isa sa mga entry requirement sa pagpasok sa Boracay island.
Sa pulong sa araw ng Huwebes, March 18, inaprubahan ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) ang saliva test na may ilang probisyon.
Kailangang isinagawa ito ng Philippine Red Cross (PRC) at iba pang testing laboratories na aprubado at accredited ng Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH).
Handa naman ang kagawaran na suportahan ang pondo para sa RT-PCR o gene expert machine sakaling ipanukala ng lokal na pamahalaan ng Malay.
Samantala, inirekomenda ng DOT sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na alisin na ang pagbabawal sa mga may edad 15-anyos pababa at 65-anyos pataas na pumunta sa paliparan upang makabiyahe patungong Boracay.
Punto ng kagawaran, nakasailalim naman ang Boracay sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) at basta’t mayroong valid plane ticket ang pasahero.
Nagpaalala naman ang DOT sa ga turista at stakeholders na istrikto pa ring sundin ang minimum health at safety protocols.
Ipinag-utos din ng kagawaran ang istriktong monitoring at implementasyon ng protocols ng local government units (LGUs) at mga ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.