Roque, itinangging naka-isolate siya sa mamahaling hotel sa Pasay

Photo grab from PCOO Facebook video

Fake news.

Tugon ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa mga paratang na naka-isolate siya sa isang mamahaling hotel sa Pasay City matapos magpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Roque, nasa isang quarantine facility lamang siya sa Annapolis Street sa San Juan City.

Ayon kay Roque, wala naman siyang kakayahan para magbayad sa kanyang pananatili sa mamahaling hotel sa Pasay City.

Agad namang nilinaw ni Roque na hindi isang motel ang kanyang tinutuluyan kundi isang two-star hotel lamang.

Sinabi pa ni Roque na kasama niya sa quarantine facility ang ilang government officials, isang anchor sa PTV 4, at personnel mula sa Malacañang Accreditation and Relations Office.

Ayon kay Roque, asymptomatic naman siya sa ngayon.

Ayon kay Roque, kukunsultahin niya ang kanyang doktor kung maaring mag-home quarantine na lamang siya.

Read more...