NBA: Mavs rumesbak sa Clippers; Heat pinalamig ng Grizzlies

By Jan Escosio March 18, 2021 - 02:41 PM

DALLAS MAVERICKS FB PHOTO

Nakabawi ang Dallas Mavericks sa muling pakikipagharap sa Los Angeles Clippers, 105 – 89.

Binanderahan ni Luka Doncic ang Mavs sa kanyang 42 puntos.

Dikit pa ang laban hanggang sa pagpasok ng huling yugto ng laro dahil kay Kawhi Leonard.

Ngunit nagpasabog ng 28 puntos ang Dallas kontra sa 18 ng Los Angeles para itakas ang panalo.

Samantala, pinutol ng Memphis Grizzlies  ang limang sunod na panalo ng Miami Heat, 89-85.

Mula sa 72-64 na iskor, humabol ang Heat at tumabla sa 85 may 8.9 segundo na lang ang natitira, bago nakalamang ang Memphis sa lay-up ni Ja Morant.

Nagkaroon ng error ang Heat sa 1.2 segundo at sa pag-foul kay Kyle Anderson ay naipasok pa nito ang dalawang freethrows para umabante na ng apat na puntos.

Sa iba pang laro, tinalo ng San Antonio Spurs ang Chicago Bulls, 106 – 99 at nanalo din ang Denver Nuggets, Cleveland Cavaliers, Sacramento Kings at Detroit Pistons sa kanilang mga nakaharap.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.