Karagdagang 296 ang kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.
Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (March 18), sumampa na sa 32,228 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 2,096 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 321 active cases.
Sumunod dito ang Tondo 1 na may 319 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Nasa 295 residente naman ang bagong gumaling at pito ang bagong nasawi.
Dahil dito, umabot na sa 29,288 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 844 na ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.