Kuntento si Metro Manila Development Authority chairman Benhur Abalos sa ipinatutupad na unified curfew sa Metro Manila.
Isang hakbang ito para maiwasan ang pagkalat ng virus ng COVID-19.
Ayon kay Abalos, hindi maikakaila na bagamat may pandemya pa as COVID-19, ilan sa mga residente ang makikitang nag-iinuman sa gitna ng kalsada kahit hatinggabi na.
Nagsimula ang unified curfew noong Marso 15 at tatagal ng hanggang Marso 31, 2021 ng 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga.
Kailangan aniya ang unified curfew para maisaayos ng Metro Manila mayors ang pagsasagawa ng massive testing, rtacing, isolation at granular lockdown.
Sa pinakahuling talaan ng National Capital Region Police Office, mahigit 2,000 katao na ang naaresto dahil sa paglabag sa unified curfew.