Four-day lockdown ikinasa sa Batasan Complex dahil sa pagsirit ng COVID 19 cases
Dahil marami sa kanilang mga kawani, bukod pa sa mga mambabatas, ang tinatamaan ng COVID 19, ipapatupad ang four-day lockdown sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco minabuti na ikasa ang temporary lockdown sa buong Batasan complex bilang pag-iingat sa kalusugan at kaligtasan ng mga mambabatas at kanilang mga kawani.
Ito aniya ay bunsod na rin ng tumataas na bilang ng mga nagkakasakit sa Metro Manila.
Ayon pa kay Velasco ang lahat ng public hearings, committee meetings at iba pang aktibidad na nai-schedule na sa mga araw na epektibo ang lockdown ay maaring isagawa virtually.
Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, 33 na ang active COVID 19 cases sa Kamara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.