Senate Building, lockdown uli; Sessions itutuloy sa Marso 24
Epektibo Miyerkules ng gabi (March 17) hanggang sa gabi ng darating na Martes, Marso 23, ay naka-lockdown ang buong gusali ng Senado.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, ito ay base sa rekomendasyon ng Medical Services ng Senado bunga ng maraming kaso ng COVID-19 sa kanilang mga kawani.
Sa sesyon, nabanggit ni Majority Leader Juan Miguel Zubiri na 24 sa kanilang mga kawani ang tinamaan na ng nakakamatay na sakit.
Sinabi pa nito na sa katabi nilang GSIS Building ay may 80 na ang may COVID-19 kaya’t naka-lockdown na rin ang nabanggit na gusali.
Inanunsiyo ni Sotto na magbubukas muli ang Senado sa Marso 24 dahil sa Commission on Appointments at may mga panukala pa na dapat talakayin.
Paalala lang din nito, maaring maipagpatuloy naman ang mga naitakda ng committee hearings ngunit isasagawa na lang ang mga ito ‘virtually.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.