Tiger Woods, nakalabas na ng ospital; Patuloy na magpapagaling sa bahay

Nakalabas na ng ospital ang Tiger Woods matapos magtamo ng leg injuries sa isang car accident sa bahagi ng Los Angeles sa Amerika noong February 23.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Woods na patuloy siyang magpapagaling sa kaniyang bahay.

Nagpasalamat ang 45-anyos na golf superstar sa mga nagpapating ng suporta sa kaniya.

Nagpasalamat din si Woods sa mga doktor, nurses at staff sa Harbor-UCLA Medical Center at Cedars-Sinai Medical Center na tumulong para sa kaniyang paggaling.

“You have all taken such great care of me and I cannot thank you enough,” pahayag ni Woods at dagdag pa nito, “I will be recovering at home and working on getting stronger every day.”

Read more...