Liquor ban, muling ipatutupad sa Navotas

By Angellic Jordan March 17, 2021 - 05:57 PM

Muling ipatutupad ang liquor ban sa Lungsod ng Navotas simula sa araw ng Miyerkules, March 17.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, bawal muna ang pagbenta, pagbili at pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar sa lungsod habang umiiral ang commumity quarantine.

“Sa inuman, madalas hindi nasusunod ang mga safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing, at hindi pagsasalo-salo sa pagkain, baso, at mga kubyertos,” pahayag ng alkalde.

Dagdag pa nito, “Hindi po porke mukhang malusog at walang sintomas ang mga kainuman—kapamilya man ‘yan, kaibigan, o kapitbahay—ay hindi na sila carrier ng virus.”

Dapat aniyang tandaan na karamihan ng mga tinatamaan ng nakakahawang sakit ay asymptomatic.

Mabilis aniya ang pagkalat ng COVID-19 sa Navotas sa nakalipas na apat ng linggo kung kaya pakiusap nito, sundin ang safety protocols.

“Sa ating pag-iingat, mapapangalagaan po natin ang ating buhay at maipagpapatuloy ang paghahanapbuhay,” saad ni Tiangco.

Sinumang lumabag ay pagmumultahin ng P1,000 at/o isang araw na pagkakakulong sa first offense, P3,000 at/o limang araw na pagkakakulong sa second offense at P5,000 at/o 10 araw na pagkakakulong sa third offense.

TAGS: COVID-19 response, Inquirer News, liquor ban in Navotas, Mayor Toby Tiangco, Radyo Inquirer news, COVID-19 response, Inquirer News, liquor ban in Navotas, Mayor Toby Tiangco, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.