Higit 240,000 frontliners, naturukan na ng COVID-19 vaccine

PCOO photo

Aabot sa 240,000 na frontliners pa lamang ang nababakunahan kontra COVID-19.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., nasa ikatlong linggo na ang Pilipinas sa vaccine rollout.

Inaasahang matatapos ang pagbabakuna sa 1.7 milyong medical frontliners at health workers pagdating sa kalagitnaan ng Abril.

Ayon kay Galvez, oras na matapos na ang pagbabakuna sa health workers, sunod namang tuturukan ang mga senior citizen, vulnerable sector at indigent population.

Maaari aniyang sa buwan ng Mayo masimulan ang pagbabakuna sa masa.

Tinatayang nasa 2.3 milyong COVID-19 vaccines mula sa Covax facility ang inaasahang darating sa buwan ng Marso.

Read more...