Higit 750 hinuli dahil sa paglabag sa curfew sa Timog Metro Manila

By Jan Escosio March 17, 2021 - 02:45 PM

Sa pagbabantay ng mga pulis sa anim na lungsod at isang bayan sa katimugan ng Metro Manila, umabot sa 758 ang hinuling curfew violators mula 10:00, Martes ng gabi (March 16) hanggang 5:00, Miyerkules ng madaling araw (March 17).

Sa datos ng Southern Police District, pinakamarami ang sa Parañaque City na umabot sa 188 at ang lahat ay pinagmulta.

Sa Muntinlupa City, may 130 ang nabigyan ng warning, samantalang sa Taguig City naman ay 106.

Sa Pasay City, 109 ang pinagmulta at sa Makati City ay may 89 na nabigyan ng warning at may 26 na pinagmulta.

Sa Las Piñas City, siyam ang nabigyan ng warning at umabot sa 101 ang pinagmulta.

Samantalang, sa bayan ng Pateros ay walang nasita o pinagmulta.

Kabuuang 623 pulis naman ang ipinakalat sa mga nabanggit na lungsod at bayan.

TAGS: curfew hours in Metro Manila, curfew violators, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Southern Police District, SPD, curfew hours in Metro Manila, curfew violators, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Southern Police District, SPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.