Lockdown sa Batasang Pambansa hindi pa kailangan
Iginiit ni House Secretary-General Mark Llandro Mendoza na hindi kailangan magpatupad ng lockdown sa Batasang Pambansa Complex.
Ito ay sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa COVID-19 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Mendoza, mahigpit ang ipinatutupad na health safety measures sa Kamara kabilang na ang “No negative antigen results, No Entry” sa papasok sa Batasang Pambansa.
Bukod dito, 30% na workforce lamang ng Kamara ang pinapapasok ng pisikal bilang pagtalima sa atas ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.
Mahigpit na ring ipatutupad ang online o zoom hearings sa lahat ng Committee hearings at nilimitahan na lamang hanggang alas-sais ng gabi ang sesyon at pasok ng mga empleyado.
Sa kasalukuyan, mayroong 29 na aktibong kaso ng COVID-19 sa Kamara.
Hiwalay pa rito sina Negros Oriental Rep. Jocelyn Limkaichong at Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor na positibo rin sa sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.