15 arestado sa pagpapatupad ng hard lockdown sa anim na barangay sa Maynila.

Labing lima katao ang naaresto sa pagpapatupad ng hard lockdown sa anim na barangay sa Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ipinatupad ang hard lockdown dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Apat ang ang naaresto sa Brgy 185.

Sinabi naman ni Police Lt. Ferdinand Cayabyab, ground commander ng Brgy 374 na 11 katao ang naaresto.

Kabilang sa mga naaresto ang isang menor de edad na dinala na sa  Department of Social Welfare and Development.

Dinala naman sa quarantine facility sa Maynila ang 10 nahuli.

Wala namang nahuli sa Barangay 521, 628, 675, 847.

Aabot sa 170 na pulis ang ipinakalat sa anim na barangay.

Katuwang ng mga pulis ang 82 barangay officials mula sa anim na barangay.

Nagsimula ang hard lockdown ng 12:01 ng madaling-araw ng Marso 17 at tatagal ng hanggang 11:59 ng hatinggabi sa Marso 20.

Read more...