30 bahay nasunog sa Luzon Ave. sa Quezon City
Aabot sa 30 mga bahay ang tinupok ng apoy sa sunog na naganap sa Area 7 sa Luzon Avenue sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City.
Nagsimula ang sunog pasado alas 10:00 ng umaga kanina at agad iniakyat sa 4th alarm alas 11:58 ng gabi.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil magkakatabi ang mga bahay sa lugar at karamihan ay gawa pa sa light materials.
Mabilis namang nakalikas ang mga residente, pero hindi na nila naisalba pa ang kanilang mga gamit.
30 bahay, natupok sa sunog sa Brgy Pasong Tamo, QC.- BFP. pic.twitter.com/TQHqbZROnB
— albar (@albarmarch22) April 8, 2016
Alas 12:03 ng tanghali nang ideklara ng Fire Department ng Quezon City na under control na ang sunog.
Tuluyan naman itong naapula ganap na alas 12:41 ng tanghali.
Ayon kay Maj. Aristotle Banyaga, chief of operations ng Quezon City – BFP, sa bahay ng pamilya ni Shirley Ragot nagsimula ang sunog.
Wala namang nasugatan sa insidente at inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy./ Alvin Barcelona
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.