9 hanggang 10 oras na power interruption bukas sa Guimaras, Iloilo at Lanao
Makararanas ng siyam hanggang sampung oras na power interruption bukas, April 9, ang ilang bahagi ng Guimaras, Iloilo, Lanao del Norte at Lanao del Sur.
Sa abiso ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), may sampung oras na power interruption sa mga lugar na sineserbisyuhan ng kanilang GUIMELCO at ILECO I lines kabilang ang Barangay Guimahan at bayan ng Leganes sa Iloilo.
Magsisimula ang interruption alas 7:00 ng umaga at tatagal hanggang alas 5:00 ng hapon.
Ayon sa NGCP, magkakaroon sila ng maintenance works sa 69-kilovolt sa Sta. Barbara-Ingore line.
Samantala, siyam na oras na power interruption ang mararanasan sa ilang bahagi ng Lanao del Norte at Lanao del Sur bukas.
Magsisimula ang interruption alas 8:00 ng umaga at tatagal hanggang alas 5:00 ng hapon.
Apektado ng power interruption ang mga residente na sineserbisyuhan ng LASURECO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.