Palawan, mananatili bilang isang probinsya

By Angellic Jordan March 16, 2021 - 06:45 PM

Photo credit: Comelec Commissioner Rowena Guanzon/Twitter

Mananatili bilang isang probinsya ang Palawan.

Ito ay matapos ideklara ng Provincial Plebiscite Board of Canvassers na nagwagi ang botong “no” ng plebisito upang hatiin ang Palawan sa tatlong lalawigan.

Sa official partial results hanggang 5:00, Martes ng hapon (March 16), nasa 172,304 ang botong “no” habang 122,223 ang botong “yes.”

Batay ito sa na-canvass na mga boto sa 22 munisipalidad.

Comelec photo

Isinagawa na ang proklamasyon kahit hindi pa naisasama ang 251 registered votes sa bayan ng Kalayaan dahil hindi na ito makakaapekto sa kabuuang bilang ng botohan.

Ang plebisito sa Palawan ang unang eleksyon na idinaos sa bansa sa gitna ng pandemya.

Lumabas na 60.06 porsyento ang voter turn-out sa naturang eleksyon.

TAGS: comelec, Inquirer News, Palawan plebiscite, plebisito sa Palawan, Radyo Inquirer news, rowena guanzon, Tagalog breaking news, comelec, Inquirer News, Palawan plebiscite, plebisito sa Palawan, Radyo Inquirer news, rowena guanzon, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.