Elevator sa Fabella Hospital, nasunog, 66 na bagong silang na sanggol, inilikas

By Dona Dominguez-Cargullo April 08, 2016 - 12:28 PM

Fabella HospitalInilikas ang mahigit isang daang pasyente ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, Maynila matapos sumiklab ang sunog sa isa nilang elevators kagabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, mabilis kumalat ang usok sa gusali kaya kinailangang ilikas ang mga pasyente na kinabibilangan ng mga ina at mga bagong silang nilang sanggol.

Aabot sa 66 na mga bagong silang na sanggol na nasa Newborn Intensive Care Unit ng Ospital ang inilikas at dinala sa Department of Pediatrics Building.

Habang ang kanilang mga ina ay dinala muna sa Mother’s ward ng ospital.

Ayon kay fire inspector Beverly Grimaldo ng Bureau of Fire Manila, electrical fire ang pinagmulan ng apoy sa loob ng elevator sa second floor alas 11:23 ng gabi.

Hindi naman na umabot sa pagtaas ng alarma ang sunog dahil mabilis din itong naapula.

Kaninang madaling araw ay naibalik na ang mga pasyente sa kani-kanilang lugar, matapos makapagsagawa ng inspeksyon ang mga bumbero at maideklarang ligtas na silang bumalik.

Wala namang nasaktan sa nasabing insidente.

 

TAGS: fire hits elevator at fabella hospital, fire hits elevator at fabella hospital

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.