LPA, posibleng malusaw o lumabas ng bansa sa susunod na 24 hanggang 48 oras
Hindi na nakakaapekto ang kaulapan ng Low Pressure Area (LPA) sa anumang bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA.
Sinabi ni PAGASA weather specialist Chris Perez na huling namataan ang LPA sa layong 390 kilometers Kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro bandang 3:00 ng hapon.
Sa susunod na 24 hanggang 48 oras, posibleng malusaw na ang LPA bago lumabas ng teritoryo ng bansa o tuluyan nang lumabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Bunsod naman ng Tail-end of Frontal System, posibleng makaranas ng maulap na papawirin na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Ilocos Norte, Abra, Apayao, Cagayan at Batanes.
Samantala, sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, makararanas ng maaliwalas na panahon.
Gayunman, ani Perez, may posibilidad pa rin ng isolated rainshowers dulot ng localized thunderstorms lalo na sa Silangang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.