Hindi na pinatulan ni Presidential spokesperson Harry Roque ang panawagan ng publiko na ilabas ang resulta sa kanyang COVID-19 swab test.
Ito ay matapos mag-positibo sa COVID-19 si Roque.
Paliwanag ni Roque, hindi na importante na isapubliko pa ang resulta.
Sa ngayon, naka- isolate na si Roque pero tuloy pa rin ang Palace briefing.
Nalaman ni Roque na positibo siya sa COVID-19 matapos makuha ang resulta noong Lunes, March 15.
MOST READ
LATEST STORIES