Bilang ng nabakunahan laban sa COVID-19 sa Pilipinas, nasa 215,997 na
Umabot na sa higit 215,000 ang bilang ng mga nabakunahan kontra sa COVID-19.
Sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang 6:00, Lunes ng gabi (March 15), nasa kabuuang 215,997 na ang nabakunahan laban sa nakakahawang sakit.
Sa 1,125,600 available doses sa bansa, naipamahagi na ang 1,079,400 o 96 porsyento nito sa vaccination sites sa bansa.
Sa ngayon, nasa 929 na ang vaccination sites na nagsasagawa ng COVID-19 vaccination sa 17 rehiyon sa bansa.
Tiniyak ng National Task Force Against COVID-19 at DOH na bibilis pa ang vaccination program oras na dumatimg ang iba pang bakuna para sa susunod na priority groups.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.