Nora Aunor, nakilahok sa rally na kumokondena sa Kidapawan dispersal

By Erwin Aguilon April 08, 2016 - 11:44 AM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Nakiisa si Superstar Nora Aunor sa isinagawang kilos protesta ng daan-daang mga raliyista sa Maynila bilang pagkondena sa naganap na dispersal sa mga magsasaka sa Kidapawan City.

Sumama din ang aktres sa pagmamartsa ng mga nag-protesta na binubuo ng mga miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), Anakpawis, Kilusang Mayo Uno (KMU) at iba pa.

Maliban kay Nora Aunor, lumahok din sa protesta ang aktres/singer na si Monique Wilson.

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Tumagal ng mahigit tatlumpung minuto ang martsa ng grupo mula Plaza Miranda patungo sa kanilang destinasyon, sa Mendiola Maynila.

Bitbit ng grupo ang mga streamers na may nakasulat na “Bigas hindi Bala”, “Labanan ang kagutuman, kahirapan at panunupil!”, at “Bigas hindi Dahas, Justice for Kidapawan Deaths”.

Sigaw ng grupo, hanggang sa ngayon walapang napapanagot sa panig mga otoridad matapos ang madugong dispersal na ikinasawi ng tatlong magsasaka at ikinasugat ng maraming iba pa.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.