Kaya natin ito!
Paniniyak ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Filipino sa gitna ng kinakaharap ng bansa na pandemya sa COVID 19.
Ayon sa Pangulo, marami nang dinanas na paghihirap ang bayan, pero lahat ng ito, nalagpasan ng bawat Filipino.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa gitna ng pag-usbong ng bagong klase ng COVID 19 na tumama na sa Pilipinas at sa ibang bahagi ng mundo.
“I will just say to my countrymen that do not despair. Kaya natin ito COVID na ito. Maliit na bagay ito sa buhay natin. Marami tayong dinaanan mas ano, mas grabe, mas mahirap, mas magluluha kayo saka…” pahayag ng Pangulo.
Tiniyak ng Pangulo na hindi niya iiwan ang taong bayan.
“I know, lahat kayo, lalo na ‘yong mga kababayan ko nandiyan sa squatters’ area, lahat kayo, huwag kayong matakot at hindi ko kayo iiwanan,”dagdag ng Pangulo.
“We must contribute and the other departments must take note of this.You have to contribute, I said, this is a fight not only against the COVID but against you know despair and hopelessness. Iyong wala magsabi ang tao wala ng pag-asa,”ayon sa Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na ginagawa na ng pamahalaan ang lahat ng pamamaraan para masolusyunan ang problema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.