Pagtuturok ng AstraZeneca vaccine ipinahinto na rin sa Latvia

Nadagdag na ang Latvia sa mga bansa na pansamantalang ipinatigil ang pagtuturok ng AstraZeneca vaccine sa kanilang mamamayan dahil sa mga reklamo ng ‘side effects.’

Ayon sa Latvian health authorities sumunod lang sila sa mga naunang bansa na inihinto ang pagtuturok ng naturang bakuna dahil sa pangamba na nagdudulot ito ng pamumuo ng dugo.

Inabisuhan na rin ng awtoridad ang mga doktor na huwag nang gamitin ang mga nabuksan ng AstraZeneca vaccines at huwag na munang magbukas ng mga bago.

Ang hakbang sabi pa ng mga nangangasiwa sa pambansang kalusugan ay pag-iingat lang base sa mga ulat ng side effects ng bakuna sa ibang bansa sa Europa bagamat sa mga naturukan sa Latvia ay wala pang nagreklamp.

Una nang  itinigil sa Norway, Denmark at Netheralands ang paggamit ng AstraZeneca bilang proteksyon laban sa COVID 19.

Read more...