Sa pulong ng Gabinete kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na kabuuang 979,200 doses ang darating sa bansa sa pamamagitan ng COVAX facility.
Base aniya sa warning order ng COVAX at World Health Organization (WHO), asahang darating ang mga bakuna sa March 22 o hanggang Abril sakaling magkaroon ng pagkaantala sa delivery.
Maliban dito, darating din ang 1.4 milyong doses ng Sinovac BioTech COVID-19 vaccines, kung saan 400,000 rito ay donasyon ng gobyerno ng China.
Dahil dito, aabot sa higit 2.379 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang inaasahang darating sa Pilipinas.
Matatandaang sinimulan ang COVID-19 vaccination program sa Pilipinas noong March 1, 2021.