23 lalawigan sa bansa nakararanas ng tagtuyot, 11 naman ang dumaranas ng dry spell

By Dona Dominguez-Cargullo April 08, 2016 - 09:22 AM

drought el nino mindanaoDalawampu’t tatlong lalawigan ang nakararanas ngayon ng tagtuyot o drought habang mayroong labing isang lalawigan pa sa bansa ang nakararanas ng dry spell ayon sa PAGASA.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Anthony Lucero, chief ng PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section, sa Mindanao, mayroong 20 lalawigan ang apektado ng drought, 2 sa Visayas at 1 sa Luzon. Kabilang dito ang mga sumusunod:

MINDANAO
Zamboanga Del Sur
Zamboanga Del Norte
Zamboanga Sibugay
Sultan Kudarat
Saranggani
North Cotabato
South Cotabato
Bukidnon
Lanao Del Norte
Lanao Del Sur
Camiguin
Misamis Occidental
Misamis Oriental
Davao Del Norte
Davao Del Sur
Surigao Del Norte
Basilan
Maguindanao
Sulu
Tawi-Tawi

VISAYAS
Siquijor
Negros

LUZON
Palawan

Paliwanag ni Lucero, itinuturing na nakararanas na ng drought o tagtuyot ang isang lugar kapag tatlong magkakasunod na buwan na nakaranas ito ng “way below normal” na pag-ulan o nakaranas ng mahigit sa 60% ng reduction ng rainfall.

Samantala, dry spell naman ang nararanasan sa labing isang lalawigan sa bansa na kinabibilangan ng mga sumusunod:

LUZON
Benguet
Pangasinan
Nueva Ecija
Tarlac
Zambales
Rizal
Occidental Mindoro

MINDANAO
Compostela Valley
Agusan Del Norte
Agusan Del Sur

VISAYAS
Bohol

Sa ilalim ng dry spell, sinabi ni Lucero na ang mga lalawigang nabanggit ay nakaranas ng 21 hanggang 60% na reduction sa rainfall.

Sinabi ni Lucero na ang epekto ng El Niño sa mga lugar na nakararanas ng dry spell ay mas maliit pa kumpara sa epekto ng mga lalawigang nakararanas na ng drought.

Sa pagtaya ng PAGASA, sa katapusan ng Abril, aabot pa sa 32 ang bilang ng mga lalawigan sa bansa ang makararanas ng drought at 26 naman ang bilang ng mga lalawigan na makararanas ng dry spell.

 

TAGS: Drought hits 23 provinces, Drought hits 23 provinces

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.