Sa kaniyang Facebook post, sinabi ng mambabatas na natamaan pa rin siya ng COVID-19 sa kabila ng pag-iingat at pagsunod sa health protocols.
Gayunman, sinabi ni Limkaichong na siya ay asymptomatic.
Sa ngayon ay sumasailalim siya sa quarantine sa Maynila.
Ayon sa mambabatas, nasabihan na rin niya ang kanyang mga close contact hinggil sa kanyang kundisyon at hinimok ang mga ito na magpasuri para sa COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES