Tumamang lindol sa Iba, Zambales itinaas sa magnitude 4.8
(UPDATED) Itinaas sa magnitude 4.8 ang tumamang lindol sa Zambales, Lunes ng gabi.
Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 23 kilometers Southwest ng Iba.
Naramdaman ang lindol dakong 7:20 ng gabi.
May lalim itong 26 kilometers at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity 4 – Iba, Botolan, Cabangan and San Felipe, Zambales
Intensity 3 – Olongapo City, San Antonio, San Marcelino, San Narciso, Palauig and Subic, Zambales; Floridablanca, Pampanga;
Intensity 2 – Candelaria, Masinloc and Santa Cruz, Zambales; Mabalacat City, Pampanga; Makati City; Malabon City; City of Manila; Quezon City; Villasis,
Pangasinan;
Nakapagtala rin ng instrumental intensities sa sumusunod na lugar:
Intensity 2 – Guagua, Pampanga
Intensity 1 – Calumpit, Bulacan; Marikina City; Quezon City; San Jose City, Nueva Ecija; Dagupan City, Pangasinan
Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.