Roque, nagsisi na hindi nabakunahan kontra COVID-19

Photo grab from PCOO Facebook video

Nagsisi si Presidential spokesperson Harry Roque na hindi siya nakapagpabakuna laban sa COVID-19 sa Philippine General Hospital (PGH) noong March 1.

Inihayag ito ni Roque matapos ianunsiyo ang pagiging positibo sa nakakahawang sakit.

Ani Roque, kung hindi naubusan at nabigyan siya ng COVID-19 vaccine, hindi siguro aniya siya madadapuan ng virus.

“It was really, I think, sad na hindi ako nakapagpabakuna but we also have to follow protocols na unahin muna natin ‘yung mga medical frontliners,” ani Roque.

Kasunod nito, pinayuhan ni Roque ang mga healthcare worker na magpabakuna na upang hindi na mahawa ng nakakamatay na sakit.

“So ang aking pakiusap po doon sa mga medical frontliners, kung mayroon pa ho, kunin niyo na ‘yan. Dahil gaya ko po, nagsisisi na hindi nabigyan ng bakuna noong mga panahon na iyon dahil hindi qualified. E kayo naman ho qualified. Nandyan na po ang bakuna, kunin ninyo na po kaysa ma-include kayo sa datos gaya ko,” pahayag ni Roque.

Read more...