Sen. Nancy Binay: Pati mga opisyal hindi na nakakasunod sa health protocols
Pinuna ni Senator Nancy Binay na may mga opisyal mismo ang tila binabalewala na ang basic safety protocols para maiwasan ang pagkahawa-hawa ng COVID 19.
Aniya nakakaalarma na ang mga kaso ng COVID 19 sa bansa ay maaring abutin ng 8,000 kada araw sa pagtatapos ng kasalukuyang buwan.
“What’s ironic is that after a year since the lockdown, naririto pa rin tayo… hindi umuusad. Parang walang nagbago—same problems, same issues, same recommendations (hard lockdown, curfew, liquor ban, etc). ‘Yung pagda-downplay ng DOH sa pagtaas ng mga kaso at ang recommendation ng IATF na i-open na ang turismo, buksan na ang mga resorts, sinehan, etc. actually create an impression na balik na tayo sa normal—which is not the case. Nalulusaw ang mensahe na dapat maging vigilant pa rin tayo dahil mas lalong lumalakas ang COVID. Walang mangyayari sa atin kung kakapitan natin ang mantra na ‘OK na dahil meron nang bakuna’. It’s the perception that ‘everything is OK’ is what makes it not-OK,” punto ng senadora.
Tanong niya; “Di ba, how can we expect people to consciously follow health protocols when even our national and local government officials do not conscientiously follow minimum health protocols? Kahit anong curfew o liquor ban ang gawin, if we see people in government freely travelling to beaches and resorts, and organizing public gatherings as if everything is back to normal, talagang magre-relax din ang mga tao.”
Diin pa ni Binay, mababalewala ang lahat ng mga ginagawang hakbang kung maling mensahe naman ang ipinaparating ng Malakanyang at Inter-Agency Task Force.
Dapat aniya ipaalala sa taumbayan ang ‘new normal’ at ipaintindi na nagbago na talaga ang takbo ng pamumuhay ng lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.