Ayuda at bakuna ginagamit bilang pundasyon sa 2022 elections’ campaign – Sen. Leila de Lima
Pinuna ni Senator Leila de Lima na tila mas nakatuon na ang pansin ng Malakanyang sa susunod na taon sa halip na paigtingin pa ang pagharap sa pandemya.
Aniya patuloy na naghihirap ang taumbayan dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin at marami pa rin ang walang trabaho, bukod pa sa dumadaming kaso ng COVID 19.
“Malacañang now seems to be a madhouse of 2022 presidential aspirants, and we all know who they are! They thrive on people’s misery as if this is the foundation of their campaign propaganda. Bakit nga naman nila ibubuhos ang ayuda at bakuna, kung maaari naman nila itong gamitin sa eleksyon?! That’s their strategy and we are all smart enough to crack it. Chaos is truly a ladder, and we know who the social climbers in politics are,” sabi ng senadora.
Banggit nito, halos dalawang taon na nang pirmahan ni Pangulong Duterte ang iniakda niyang Magna Carta of the Poor, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naipapatupad dahil hindi pa naaaprubahan ang implementing rule and regulation (IRR) ng batas.
“ Paulit-ulit lang ang problema dahil walang totoo at matinong tugon ang gobyernong umasa sa pulis at mga heneral para sagutin ang isang krisis na pangkalusugan. Isang taon ding natulog sa pansitan ang Pangulo. Malinaw na ang tulog na liderato ang nagpalala sa pandemya,” puna pa ng senadora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.