Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (March 15), pumalo na sa 626,893 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 53,479 o 8.5 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 5,404 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito na ang pinakamataas na naitalang kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw simula noong August 14, 2020.
92.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.0 porsyento ang asymptomatic; 0.73 porsyento ang moderate; 1.4 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa walo naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 12,837 o 2.05 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 71 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 560,577 o 89.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.