BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 626,000 na; 5,404 bagong record-high
Pumalo muli sa 5,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (March 15), pumalo na sa 626,893 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 53,479 o 8.5 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 5,404 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito na ang pinakamataas na naitalang kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw simula noong August 14, 2020.
92.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 4.0 porsyento ang asymptomatic; 0.73 porsyento ang moderate; 1.4 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa walo naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 12,837 o 2.05 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 71 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 560,577 o 89.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.