Workplace, ikinonsidera ng QC LGU bilang COVID-19 hot spot

By Angellic Jordan March 15, 2021 - 03:55 PM

Inilahad ng Quezon City government na karamihan sa mga naitatalang COVID-19 infections sa lungsod ay nakuha sa workplace.

Ang infection sa workplace ay naikakalat ng mga apektadong empleyado sa kani-kanilang bahay.

Batay sa report ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), sa 722 positive cases na naitala mula February 28 hanggang March 13, 2021, 104 cases o 14 porsyento nito ang nakuha sa workplaces na maraming empleyado.

Ang bahay naman ang nananatiling kadalasang exposure setting, kung saan 256 cases o 35 porsyento ang naitala.

“Reports showed that household transmission stems from one member of the household acquiring the virus from his workplace,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.

Ipinag-utos na aniya sa mga departamento sa lungsod na mahigpit na tutukan ang mga workplace at tiyaking nasusunod ang health protocols.

“Employers must do all they could to minimize risks among their employees, especially essential workers, so they won’t bring the virus home to their families,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng supplemental guidelines na inisyu ng lokal na pamahalaan noong March 14, 2021, ipinag-utos ni Belmonte sa mga establisyimento sa Quezon City na bumuo ng COVID-19 taskforce na siyang magpapatupad ng prevention, detection contact tracing, isolation, at management strategies ng kanilang kumpanya, opisina o tindahan.

Dapat mayroon ding transportation alternatives para sa mga empleyado upang mabawasan ang exposure sa pag-commute.

Hiwalay din dapat ang pasukan at labasan ang mga empleyado upang mabawasan ang foot traffic.

Maliban dito, dapat ding maglaan ng hand sanitizing stations at contact tracing log, KyusiPass kung maaari, sa bawat pasukan.

Hindi dapat payagang ng mga employer na makapasok ang mga taong walang suot ng face mask at face shield.

Kailangan ding iayos ang mga office equipment para magkaroon ng minimum distance na dalawang metro sa bawat workstation. Kung maaari, maglagay din ng improvised dividers o acrylic barriers, lalo sa mga retail at customer-facing positions.

Nakasaad din sa guidelines na dapat magpatupad ng alternatibong work schedules, pagbabawas ng bilang ng empleyado sa loob ng establisyimento at madalas na disinfection.

Sinabi ni Belmonte na sinumang magkaroon ng sintomas ng COVID-19 tulad ng lagnat, sakit ng katawan at hirap sa paghinga, agad ilagay sa sick leave at hindi dapat payagang makapagtrabaho.

Samantala, ang mga nakakuha naman ng sintomas sa workplace ay dapat agad isailalim sa isolation alinsunod sa Department of Health Memorandum No. 2020-0439 na may petsang October 6, 2020 (Omnibus Guidelines on Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration Strategies for COVID-19).

Para naman sa mga empleyado na na-quarantine matapos magkaroon ng positive COVID-19 test result o close contact sa isang positive case, kailangan magkaroon sila ng certificate of completion ng quarantine mula sa kanilang barangay bago payagan muling makapagtrabaho.

Inatasan din ang lahat ng establisyimento na i-report agad sa CESU ang mga kumpirmadong COVID-19 cases sa kanilang mga staff o kliyento sa pamamagitan ng numerong 02-8703-2759 o 02-8703-4398) o magpadala ng email sa [email protected].

“If an employee is showing symptoms of COVID-19 or come in close contact with a COVID-19 positive patient, then they should be immediately brought to our attention,” ani CESU chief Dr. Rolly Cruz.

“All workplaces are expected to follow these mandates to ensure outbreaks are prevented and to minimize exposure risks among their workers,” aniya pa.

TAGS: COVID-19 hot spot, COVID-19 response, Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, QC, Radyo Inquirer news, COVID-19 hot spot, COVID-19 response, Inquirer News, Mayor Joy Belmonte, QC, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.