Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 120.41 milyon

Pumalo na sa 120.41 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 120,417,285 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 30,081,657 cases.

Sumunod na rito ang Brazil na may 11,483,370 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 11,385,339 naman ang kaso sa India habang 4,390,608 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 4,258,438
– France – 4,071,662
– Italy – 3,223,142
– Spain – 3,183,704
– Turkey – 2,879,390
– Germany –  2,578,835
– Colombia – 2,303,144
– Argentina – 2,195,722
– Mexico – 2,166,290

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,665,249 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 96,972,282 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...