Presidential spokesman Harry Roque inanunsiyo na siya ay COVID 19 positive

By Jan Escosio March 15, 2021 - 01:26 PM

Tatlong araw matapos makasama si Pangulong Duterte sa isang presidential engagement sa Dumaguete, nagpositibo sa COVID 19 si Presidential spokesperson Harry Roque.

Ang pagtataglay niya ng nakakamatay na sakit ay inanunsiyo ni Roque sa kanyang virtual briefing bago mag alas-12 ngayon tanghali.

“Magandang tanghali, talagang tumataas ang mga aktibong kaso ng COVID, may report na 4,899 na mga bagong kaso, at bukas sa magiging report na case ng DoH, magiging kasama na po ang inyong abang lingkod kasi as of 11:29, nakuha ko po ang resulta na positibo po ako ng COVID,” sabi nito.

Ibinahagi niya na nag-negatibo siya noong Marso 10, isang araw bago ang pagsama niya sa official speaking engagement ni Pangulong Duterte sa Dumaguete.

Kahapon, araw ng Linggo, ay muli siyang sumailalim sa COVID 19 test at kanina lumabas ang resulta.

Giit niya hindi siya lumapit kay Pangulong Duterte sa Dumaguete at istrikto ang kanyang pagsunod sa minimum health protocols.

Dahil siya ay asymptomatic, mag-isolate lang siya at patuloy niyang gagampanan ang kanyang trabaho sa isang isolation facility.

“I am inclined to go to an isolation facility since my wife has comorbidities,” aniya at sinabi ni Roque na sasailalim sa COVID 19 test ang kanyang maybahay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.