Moratorium sa pamumulitika inihirit ng isang kongresista

By Erwin Aguilon March 15, 2021 - 09:38 AM

Hiniling ni Assistant Majority Leader at Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo sa mga kapwa opisyal ng pamahalaan na tigilan muna ang pamumulitika.

Ayon kay Castelo, dapat isantabi na muna ang anumang usapin at isyu sa pulitika at sa halip ay harapin muna ang tumataas  muli na bilang ng kaso ng COVID-19.

Paliwanag nito, nakasisira ang pulitika sa paglaban ng bansa sa iisang kaaway- ang pandemya.

Kung magpapatupad ng moratorium sa pulitika ay mas magkakaroon ng focus ang pamahalaan sa paggamit sa mga resources at efforts kung paano tutugunan ang problemang isang taon nang nagpapahirap sa bansa.

Paalala pa ng mambabatas, ang paglaban sa COVID-19 ay hindi lamang trabaho ng health sector kundi ito ay responsibilidad din ng mga nakaupo sa pwesto.

Binigyang diin pa ng kongresista na mas dapat iprayoridad ngayon ng mga opisyal ang pagtugon sa biglang pagtaas nanaman ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa at pagpapabilis sa rollout ng bakuna.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.