Pagdinig ng Senado sa “misencounter” ng PNP at PDEA hindi na naman matutuloy
Ipinagpalibang muli ang pagdinig ng Senado kaugnay sa madugong engkwentro sa pagitan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Quezon City Police District sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Ayon kay Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Ronald “Bato” Dela Rosa ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang mga resource person na sina PNP Chief Debold Sinas at PDEA Chief Wilkins Villanueva.
Dapat sana ay noon pang March 2 ang pagdinig sa engkwentro pero hindi ito itinuloy matapos hilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado at Kamara na hayaan munang mag-imbestiga ang National Bureau of Investigation.
Magugunitang, nagkaroon ng mahigit isang oras na sagupaan ang mga tauhan ng QCPD at PDEA noon February 24 na sinasabing “misencounter” na nagresulta sa pagkasawi ng limang indibidwal at ikinasugat ang apat na iba pa mula sa magkabilang panig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.