Pananahimik ni PNoy ukol sa Kidapawan dispersal, kinuwestiyon

By Isa Avendaño-Umali April 08, 2016 - 04:33 AM

 

Inquirer file photo

Ipinagtataka ng ilang kongresista ang patuloy na pananahimik ni Pangulong Noynoy Aquino ukol sa madugong Kidapawan massacre.

Ayon kay Kabataan PL Rep. Terry Ridon, sa mga panahon ito na kailangan ang pahayag ni Pnoy, ni-walang marinig na salita o pakikiramay man lamang mula sa kanya para sa mga biktima ng marahas na dispersal sa mga magsasaka.

Ani Ridon, panay si Liberal Party standard bearer Mar Roxas o kaya mga secretary ni Pangulong Aquino ang nagsasalita sa media, at ang masaklap ay nagpapalaganap ang mga ito ng intriga at misinformations.

Giit ni Ridon, maraming nag aabang ng posisyon ng Presidente sa Kidapawan massacre.

Marami rin ang gustong malaman ang katotohanan kung sinuportahan ba ng Malakanyang ang dispersal sa mga pobreng magsasaka, o may direct order ba mula sa Pangulo o puno ng pulisya.

Ani Ridon, dapat masagot ang mga katanungang nabanggit upang mabatid kung may accountability ba si Presidente Aquino at iba pang opisyal na dawit sa marahas na kinahantungan ng insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.