PDEA Chief Wilkins Villanueva nagpositibo sa COVID-19

By Erwin Aguilon March 14, 2021 - 12:03 PM

Inanunsyo ni Philippine Drug Enforcement Agency Director General Wilkins Villanueva na nagpositibo ito sa COVID-19.

Sa kanyang facebook post, sinabi ni Villanueva na bilang bahagi ng paghahanda sa pagdalo sa Senate inquiry bukas, araw ng Lunes ay sumailalalim siya sa RT-PCR test at lumabas na positibo ito sa sakit.

Natanggap anya nito ang resulta ng pagsusuri, Linggo ng umaga.

“As I was preparing for the Senate Inquiry on Monday, I took my RT-PCR at the Chinese General Hospital yesterday as part of the requirement. This morning I received the result.  I TESTED POSITIVE,” pahayag ni Villanueva

Humingi rin ito ng paumanhin sa mga taong nakasalamuha nito sa mga nakalipas na araw at pinayuhan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang.

Sa ngayon anya ay naka-isolate na siya.

 

TAGS: COVID-19, Director General Wilkins Villanueva, PDEA, senate hearing, COVID-19, Director General Wilkins Villanueva, PDEA, senate hearing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.