Pagpapatupad ng dagdag na transaction fees sa mga ATM, ipinahihinto sa mga bangko

Hinimok ni Deputy Speaker Bernadette Herrera ang mga bangko na ipahinto ang nakaambang na dagdag singil sa transaksyon sa paggamit ng automated teller machine o ATM.

Sa inilabas na memorandum ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay magtataas ng rate ang mga bangko sa ATM simula sa Abril 7.

Sa ilalim nito, ang dating P10 hanggang P15 na charge sa withdrawal sa mga ATM ay tataas na sa P18 habang magpapataw na rin ng P1 hanggang P2 para sa balance inquiry gamit ang ATM.

Dapat anyang huwag munang magdagdag ng singil sa ATM transactions habang nakararanas pa ang bansa ng COVID-19 pandemic.

Hindi katanggap-tanggap para sa mambabatas na sa kabila ng krisis at paghihirap ng marami ay nagawa pa ng mga bangko na magtaas ng singil.

Aniya, dapat na matiyak na nabibigyan ng paraan ang mga Pilipino na makabangon sa epekto ng pandemya at isa dito ay pagsiguro na ang kanilang mga pera ay mapapakinabangan ng husto at hindi mapupunta sa mga dagdag na singil o bayarin ng mga bangko.

Read more...