MOA para masiguro ang driving school standards nilagdaan ng LTO at TESDA

By Erwin Aguilon March 14, 2021 - 10:06 AM

DOTr photo

Upang mapalakas anng driver’s education sa bansa, lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang Land Transportation Office (LTO) at  Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Nilagdaan ang MOA nina LTO Chief Edgar Galvante at TESDA Director General Secretary Isidro Lapeña.

Layunin ng MOA na matiyak ang pare-parehong standards na ipinapatupad ng mga driving schools gayundin upang maging mas mura ang training course para sa mga driver.

“We have partnered with TESDA because we want to tap their expertise to ensure the quality of driver’s training being given by driving schools, the LTO and TESDA,” saad ni Assistant Secretary Edgar C. Galvante.

Dahil din anya sa MOA ay magbibigay ang TESDA ng maraming libreng driving courses sa publiko.

Dagdag ni Galvante, “Sa partnership na ito, mas marami na ang ma-ooffer ng gobyerno na libreng driving courses para sa mga interesadong mag-avail ng driver’s training. Ito po ang sagot ng ating mga pamahalaan sa hiling ng publiko para sa dekalidad at murang training program para sa mga drivers.”

Sinabi naman ni TESDA Director General Lapeña, na ang MOA ay magiging daan upang magkaroon ang bansa ng maraming driver na may kasanayan sa pagmamaneho ng ligtas.

“Sa ating data from PSA [Philippine Statistics Authority], isa sa mga pangangailangan sa labor market ay mga qualified drivers.  As we transition to the new normal, kailangan ng mga drivers, ito ang  constant na pangangailangan ng mga industries. And, we have regional offices who can reach out to those in need of the training. Libre po ito,’ saad ni Lapeña.

 

TAGS: dotr, drivers, driving school, lto, Tesda, dotr, drivers, driving school, lto, Tesda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.