Malaking hamon kinakaharap ng susunod na Supreme Court Chief Justice – Rep. Zarate

By Erwin Aguilon March 14, 2021 - 09:47 AM

Malaking hamon ang kinakaharap ng susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema, ayon kay Deputy Minority Leader at  Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.

Ayon kay Zarate, kabilang sa malaking hamon para sa magiging bagong punong mahistrado ay ang “real independence” ng Hudikatura, lalo’t batid ng taumbayan na karamihan sa mga mahistrado ng Korte Suprema ngayon ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag ni Zarate, hamon din sa bagong Supreme Court chief justice ang maibalik ang buong tiwala ng pubiko sa Hudikatura.

Marapat aniyang mapatunayan ng institusyon na bilang co-equal branch ng pamahalaan at “last bastion” ng demokrasya ay kaya nitong protektahan ang mga karapatan ng mga tao at itaguyod ang hustisya.

Sinabi rin ni Zarate na marami pang dapat gawin ang Korte Suprema na “humina” raw, bilang epekto ng impeachment kay dating Chief Justice Lourdes Sereno.

Kabilang sa mga aplikante bilang susunod na chief justice ay sina Senior Associate Justice Estella Perlas-Bernabe, at Associate Justices Alexander Gesmundo at Ramon Paul Hernando.

 

 

 

 

TAGS: Chief justice, Rep Carlos Zarate, Supreme Court, Chief justice, Rep Carlos Zarate, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.