Botong ‘NO’  nangunguna sa partial unofficial results ng plebisito sa Palawan

By Erwin Aguilon March 14, 2021 - 09:38 AM

Photo: Dir. James Jimenez twitter

Nangunguna ang botong ‘NO’ sa partial unofficial results ng plebisito upang hatiin ang Palawan sa tatlong lalawigan.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, may mga lugar na ‘NO’ ang makikita sa balota.

Sabi ni Jimenez, tapos na ang botohan at ganap na alas dos ng hapon mamaya ay ipagpapatuloy ang canvassing ng mga boto.

Bumoto sa ratipikasyon ng Republic Act 11259 ang mga residente ng 23 munisipalidad ng lalawigan ng Palawan.

Sa ilalim ng RA 11259, hahatiin ang Palawan sa Palawan del Sur, Palawan del Norte at Palawan Oriental

Ang plebisito sa Palawan ang unang eleksyon na idinaos sa bansa ngayong panahon ng pandemya.

Dahil dito, sabi ni Jimenez ang mga ginawang hakbang sa plebesito ay maaring gamitin para sa darating na eleksyon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 pandemic.

 

 

 

 

TAGS: comelec, James Jimenez, Palawan plebesito, comelec, James Jimenez, Palawan plebesito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.