Aabot sa 105 katao ang naaresto matapos magsagawa ng raid ang mga pulis sa isang sabungan sa Bumanlag Games and Amusement Arena sa Barangay Poblacion East II, Aliaga,Nueva Ecija.
Inaresto ng mga pulis ang 105 katao dahil sa paglabag sa quarantine protocols.
Narekober ng mga pulis ang 25 manok na panabong at P27,000 cash.
Kakasuhan ang mga inaresto ng paglabag sa Presidential Decree No. 449 o illegal cockfights.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.