Ipinag-utos ni Makati Mayor Abby Binay ang tatlong araw na localized lockdown sa dalawang zone sa Pio del Pilar sa Makati.
Ito ay dahil sa patuloy na tumataas ang kaso ng Covid 19.
Ayon kay Binay, magsisimula ang localized enhanced community quarantine ng 12:01 ng hatinggabi ng MArso 13 hanggang sa 11;59 ng hatinggabi ng Marso 16.
Kabilang sa mga naka-lockdown ang:
Zone 1
*Mayor St. (from Cuangco St. to Jerry St.)
*Jerry St. (whole street)
*Cuangco St. (from Mayor St. to M. Reyes St.)
*M. Reyes St. (from Cuangco St. to Arguelles St.)
Zone 2
*Arguelles St. (from Evangelista St. to A. Apolinario St.
*Apolinario St. (from Arguelles St. to Calhoun St.)
*Calhoun St. (from A. Apolinario St. to Evangelista St.)
*Evangelista St. (from Calhoun St. to Arguelles St.)
“This is an LGU-led zoning containment strategy, which is the best approach in containing COVID-19 as it surgically targets areas where cases, either positive or suspected, are concentrated. Through this, we can monitor the number of cases more accurately and adopt a calibrated response that can adapt to the emerging conditions,” pahayag ni Binay.
Base sa talaan ng Makati Health Department noong Marso 12, 25 na ang kumpirmadong kaso ng Covid 19 sa mga nabanggit na lugar kkung saan 42 ang naging close contacts.
Pinagbabawalan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na lumabas ng bahay.
Magsasagawa ang Makati City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng house-to-house na swab tests sa mga nakasalumuha ng mga nag-positibo sa Covid 19.
Bibigyan ng pagkain ng lokal na pamahalaan ang mga residenteng nakatira sa mga lugar nan aka-lockdown.
Maari naman ang mga online deliveries pero hanggang sa Arguelles Street lamang.
Sarado rin ang mga commercial at business establishments.