Malaki ang pasasalamat ni Senador Bong Go sa taong bayan dahil sa pagtitiwala sa kanyang kakayahan.
Pahayag ito ni Go matapos lumabas sa Pulse Asia survey na nanguna siya sa presidential candidate pagdating sa 2022 elections.
Ayon kay Go, hindi pa ngayon ang panahon ng pamumulitika lalo’t may pandemya pang kinakaharap ang bansa sa Covid 19.
“Maraming salamat po sa inyong tiwala ‘no, lalung lalo na po sa administrasyon ni Pangulong Duterte. Marahil ay nakakita po ang mga supporters niya… continuity po ang kanilang hinahanap dahil hindi na po siya pwedeng tumakbo bilang Pangulo,” pahayag ni Go.
“Siguro, nakikita nila na sayang po ‘yung inumpisahan ng ating Pangulo… itong mga proyekto, mga ‘Build Build Build’, lahat po ng mga ginawa niya sa ating bayan. Ito po ang nakikita nila, gusto nilang ipagpatuloy, lalung lalo na po ‘yung pagbabagong inumpisahan ni Pangulong Duterte,” pahayag ng Senador.
Nagpapasalamat naman si Go sa pagtitiwala sa kanya ni Pangulong Duterte.
“Uulitin ko lang po: I am very grateful po for the trust given to me by the President. Kilala naman po ako ni Pangulo noon pa. Twenty three years na po kaming magkasama, so, kung sa pagkakilala lang po ay kilalang kilala po ako ng Pangulo at ‘di naman po maiiwasan na talagang nagtitiwala siya sa akin,” dagdag ng Senador.
Matatandaang ibinuking ni Pangulong Duterte na nais daw ni Go na maging pangulo ng bansa.
“Ngunit ulitin ko lang po na biro lang po ‘yun ng Pangulo at alam naman natin si Pangulong Duterte na mapagbiro. […] Alam naman ng Pangulo na hindi po ako interesado at nakatutok po ako mula pa noon po, mula proklamasyon ko pa lang po (bilang senador), ay magserbisyo po sa ating kapwa Pilipino,” ayon kay Go.