Jennifer Lopez at Alex Rodriguez hiwalay na

By Chona Yu March 13, 2021 - 09:07 AM

Naghiwalay na ang sikat na singer na si Jennifer Lopez at dating baseball star na si Alex Rodriguez.

Ito ay matapos ang apat na taong pagsasama.

Ayon sa ulat ng TMZ, mismong mga kaibigan ng dalawa ang nagsabing hiwalay na sila.

Wala pa namang ibinibigay na pahayag ang kampo nina Lopez at Rodriguez.

Nagsimulang mag-date ang dalawa noong 2017 at inanunsyo ang engagement noong March 2019.

Hindi pa matukoy ang sanhi ng hiwalayan ng dalawa.

Dalawang beses nang na-postpone ang balak sanang pagpapakasal nina Lopez at Rodriguez dahil sa pandemya sa Covid 19.

 

TAGS: Alex Rodriguez, hiwalayan, Jennifer Lopez, TMZ, Alex Rodriguez, hiwalayan, Jennifer Lopez, TMZ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.